Relasyon ni Alice Guo sa Pangasinan mayor naungkat sa Senado

By Jan Escosio September 05, 2024 - 02:40 PM

PHOTO: Shiela Guo
Si Shiela Guo, ang kapatid ni dismissed Mayor Alice Guo, ay sumailalim sa medical checkup sa Senado nitong Lunes, ika-26 ng Agosto 2024. —Larawan mula sa opisina ni Senate President Francis Escudero)

METRO MANILA, Philippines — Sa muling pagharap naman ni Shiela Guo sa pagdinig, muli itong nagisa ukol sa kanilang pagtakas ng Pilipinas noong Hulyo kasama ang kanyang kapatid na si dating Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Natanong na rin siya sa relasyon ni Alice Guo kay Mayor Dong Calugay ng Sual, Pangasinan.

Ayon kay Shiela, alam niya na kakilala ni Alice si Calugay ngunit hindi niya alam kung may relasyon ang dalawa o magkasosyo sa negosyo.

BASAHIN: Shiela Guo, Cassandra Ong sasampahan ng mga kasong kriminal

Duda ang mga senador sa mga sagot ni Shiela, na iginiit na hindi niya alam ang mga isasagot sa ilang tanong kasama na ang pagkakapangalan sa kanya ng isang aqua farm sa Sual at ang pagkakaroon ng resident ID mula sa lokal na pamahalaan.

Samantala, muling hindi nakaharap si Cassandra Li Ong sa pagdinig ng Senado ukol sa pagkakasangkot ni dating Bamban Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.

Base sa sulat mula sa Kamara, kasalukuyang nasa-ospital si Ong dahil sa low blood sugar.

Nabanggit sa sulat na hindi din nakaharap si Ong sa pagdinig sa Kamara base na rin sa rekomendasyon ng mga doktor ng Mababang Kapulungan na isugod na ito sa ospital at kailangan itong manatili doon ng hanggang tatlong araw para bumuti ang kanyang kondisyon.

Ang sulat na mula kay House Committee on dangerous drugs secretary Arthur Catarata ay may petsang ika-4 ng Setyembre 2024.

TAGS: Alice Guo, Dong Calugay, Illegal POGO hubs, Shiela Guo, Alice Guo, Dong Calugay, Illegal POGO hubs, Shiela Guo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.