Marcos dumistansiya sa kondisyon sa pagsuko ni Apollo Quiboloy

By Jan Escosio September 04, 2024 - 03:30 PM

PHOTO: 2024 August 09 - Apollo Quiboloy with Davao City map STORY: Marcos dumistansiya sa kondisyon sa pagsuko ni Apollo Quiboloy
Apollo Quiboloy | Composite image mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Sinabi ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na wala na sa kamay niya ang kapalaran ni Pastor Apollo Quiboloy, ang founder Kingdom of Jesus Christ (KJC).

Aniya wala ng silbi ang kondisyon ni Quiboloy para sa kanyang pagsuko.

Ayon kay Marcos nasa kamay na ng korte ang kapalaran ng pastor na may arrested warrant dahil sa qualified human trafficking at child abuse.

Unang hiniling ng kampo ni Quiboloy na gumawa ng deklarasyon si Marcos na nagsasabing hindi siya ibibigay sa kustodiya ng gobyerno ng Estados Unidos, partikular na sa Federal Bureau of Investigation (FBI).

Nahaharap sa Estados Unidos sa mga kasong sex trafficking, fraud, and coercion si Quiboloy.

Higit isang linggo nang ginagalugad ng daan-daang pulis ang KJC Compound sa Davao City sa paghahanap kay Quiboloy.

TAGS: Apollo Quiboloy, Ferdinand Marcos Jr., Apollo Quiboloy, Ferdinand Marcos Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.