Senado, Korte Suprema nagkansela ng pasok

By Jan Escosio September 02, 2024 - 11:33 AM

PHOTO: Composite image of Senate logo and building facade STORY: Senado, Korte Suprema nagkansela ng pasok
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Sinuspindi na ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pasok sa Senado ngayong Lunes dahil sa masamang panahon dulot ng Tropical Storm Enteng at habagat.

Bunga nito, nakansela ang pagdinig sa resolusyon na kanselahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ni dating Mayor Alice Guo, gayundin ang pagdinig ng committee on public services at oversight committee on agricultural and fisheries modernization.

Hindi na rin natuloy ang pagdinig ng Senate committee on finance para sa 2025 budget ng Office of the President, Presidential Management Staff, National Intelligence  Coordinating  Agency at National Security Council.

Ayon kay Escudero magbabalik ang kanilang sesyon 3 p.m. ng Martes.

Samantala, sinuspindi na rin ang pasok sa Korte Suprema gayundin sa mga korte sa ilang lugar.

Una nang kinansela ng Malakcañang ang pasok sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno sa Metro Manila, kasunod nang pagsuspindi sa lahat ng antas ng mga klase.

TAGS: Enteng, Senate, Supreme Court, Enteng, Senate, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.