Rodrigo Duterte isinangkot sa pagpatay sa 3 Chinese drug lords
METRO MANILA, Philippines — Inimbitahan muli ng House quad committee si dating Pangulong Rodrigo Duterte base sa pagbubunyag ng dalawang bilanggo ng Davao Prison and Penal Farm.
Inamin nina Fernando Magdadaro at Leopoldo Tan Jr., na sila ang pumatay sa nakakakulong na tatlong Chinese drug lords noong 2016.
Anila mga pulis ang nag-utos sa kanila na patayin ang tatlo at sinabihan sila na may basbas ng nasa “taas” ang kanilang gagawin.
BASAHIN: Duterte’s presence in House probe sought amid new ‘serious’ allegations
Pinangakuan sila ng P1 milyon at kalayaan kapag nasunod nila ang utos.
Isang Superintendent Padilla anila ang tinawagan at binati ito sa pagkakapatay sa tatlong Chinese nationals.
Si Tan ang nagsabi na nabosesan niya si Duterte na kausap ni Padilla.
Dagdag pa nito, inanunsiyo din ni Padilla sa kanyang mga kasamahan ang pagtawag sa kanya ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.