Bong Revilla, tuloy ang plano sa 2016 elections

May 22, 2015 - 03:31 AM

11261039_965637110114304_1024631217_n
Kuha ni Erwin Aguilon

Bukas pa rin si detained Senator Bong revilla Jr. na tumakbo sa 2016 elections kahit na siya ay nakakulong.

Sa pagdalo sa pre-trial hearing sa Sandiganbayan, sinabi ni Revilla na wala namang nakasaad sa batas na nagbabawal sa isang bilanggo na tumakbo sa eleksyon.

“Ang tanong ko lang, meron bang nagbabawal na tumakbo ang isang nakakulong? Wala namang batas na nagbabawal diba?” ayon kay Revilla.

Hindi naman binanggit ni Revilla kung anong posisyon ang kaniyang napipisil sa 2016 elections.

Kinumpirma din ng Senador na may mga bumibisita sa kaniya sa detention cell sa
Camp Crame at tinatanong siya sa mga plano niya sa halalan.

Nanindigan naman si Revilla na malinis ang kaniyang kunsensya sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.

“Kahit nakakulong ako, alam kong malinis ang aking kunsensya. Lalabas at lalabas ang katotohanan,” dagdag pa ni Revilla.

Nauna nang sinabi ni Revilla na ang mga kaso laban sa kanya ay politically motivated lamang./Erwin Aguilon

TAGS: 2016, elections, Revilla, 2016, elections, Revilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.