Negros Occidental rep itinalagang bagong Tesda chief
By Jan Escosio August 16, 2024 - 03:40 PM
METRO MANILA, Philippines —Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Negros Occidental 3rd District Rep. Jose Francisco Benitez bilang bagong director general ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda).
Sinundan ni Benitez ang nagbitiw na si Suharto Mangudadatu. Base sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes, ang malawak na kaalaman at karanasan ni Benitez sa edukasyon at serbisyo publiko ang pinagbasehan ni Marcos upang italaga siya sa Tesda. Si Benitez ang namumuno sa House committee on housing and urban development bago siya maitalaga sa kanyang bagong posisyon. “His extensive academic background and commitment to sustainable development make him a well-suited head of TESDA,” ayon sa PCO.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.