Pag-asinta ng PNP sa mga drug networks pinaboran ni Escudero

By Jan Escosio August 12, 2024 - 12:30 PM

PHOTO: Francis Escudero STORY: Pag-asinta ng PNP sa mga drug networks pinaboran ni Escudero
Si Sen. Francis Escudero ang bagong napiling Senate president nitong Lunes, ika-20 ng Mayo 2024. —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Pabor si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa bagong istratehiya ng Philippine National Police (PNP) na habulin ang malalaking supplier ng droga sa halip na ang mga drug-pusher at user sa lansangan.

Sa pahayag niya nitong Lunes, sinabi ni Escudero na matagal na dapat itong ginawa ng PNP para nakahuli ng drug lords at hindi mga pusher at user lamang ang nalalambat.

Idiniin niya na sa simula pa lamang ay dapat pinuntirya na ng mga awtoridad ang supply chain dahil ang mga sangkap partikular na sa paggawa ng shabu ay mula sa ibang mga bansa.

BASAHIN: Dela Rosa di haharáp sa drug war probe ayon sa payo ni Escudero

Tiwala si Escudero na kapag umubra ang istratehiya ay magiging mahirap na pumasok ang suplay ng mga droga sa bansa at magbubunga ito ng pagtaas ng presyo kayat mahihirapan nang makabili ang mga user.

Target ng bargong istratehiya ang “drug networks” sa mga komunidad sa pamamagitan ng pinaigting na intelligence monitoring.

TAGS: drug war, Francis Escudero, Philippine National Police, drug war, Francis Escudero, Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.