METRO MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 96.9% employment rate noong nakaraang Hunyo.
Ito ay mataas kumpara sa 95.5% noong Hunyo 2023 at sa 95.9% noong nakaraang Mayo.
Nangangahulugan na noong Hunyo may 50.28 milyong Filipino sa bansa ang may trabaho at mataas ito sa naitalang 48.84 milyon noong Hunyo 2023 at sa 48.87 milyon noong nakaraang Mayo.
BASAHIN: February unemployment rate bumaba sa 3.5% – PSA
BASAHIN: Lower unemployment rate senyales ng pagbuti ng Ph job market -DOF chief
Ibig sabihin nito ay bumaba din sa 3.1% ang unemployment rate noong nakaraang Hunyo — mula sa 4.1% noong nakaraang Mayo at mas mababa sa naitalang 4.5% noong Hunyo 2023.
Lumabas na na noong nakaraang Hunyo may 1.62 milyong Filipino ang walang trabaho, mas mababa sa 2.33 milyon noong Hunyo 2023, gayundin sa 2.11 milyon noong nakaraang Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.