Pang-aabuso sa TV networks hihimayin ng Robin Padilla panel

By Jan Escosio August 07, 2024 - 09:45 AM

PHOTO: Robin Padilla STORY: Pang-aabuso sa TV networks hihimayin ng Robin Padilla panel
Sen. Robin Padilla —File photo ng INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Tatalakayin ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ngayong araw ng Miyerkules ang mga isyu ng pang-aabuso at harassment sa mga television networks at artist management agencies.

Ang komite ay pinamumunuan ni Sen. Robinhood Padilla, na nagbigay kamakailan ng privilege speech kamakailan ukol sa isyu.

Base sa guest list, kabilang sa mga naimbitahan ay si Sandro Muhlach, anak ng kilalang aktor na si Niño Muhlach.

Inaasahan na makakasama niya ang kanyang ama at ina na si Angela Kristine Muhlach.

BASAHIN: TV networks, Film outfits, dapat magsagawa ng sorpresang drug test sa kanilang mga artista – PDEA

Kamakailan ay naghain ng reklamo ang nakakabatang Muhlach laban sa dalawang independent contractor ng GMA Network.

Ayon kay Padilla, nararapat na maipaliwanag ito ng naturang network bagamat sinabi niya na hindi ito nangangahulugan na dapat nang sisihin ang GMA.

Kabilang din sa mga naimbitahan ay mga opisyal ng National Bureau of Investigation, Department of Labor and Employment, Actor’s Guild of the Philippines, at mga kinatawan ng mga TV networks.

TAGS: Robin Padilla, Sandro Muhlach, TV networks abuse cases, Robin Padilla, Sandro Muhlach, TV networks abuse cases

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.