22 na senador pinapasuspindi ang PUV modernization program

By Jan Escosio July 31, 2024 - 12:11 PM

PHOTO: Jeepneys in Dagupan City STORY: 22 na senador pinapasuspindi ang PUV modernization program
Jeepneys in Dagupan City, one of Ilocos region’s business centers. —File photo na kuha ni Willie Lombiao, Inquirer Northern Luzon

METRO MANILA, Philippines — Dalawamput-dalawa sa 23 senador ang pumabor sa resolusyon na magpapasuspindi ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sinabi ni Sen. JV Ejercito nitong Miyerkules na sang-ayon siya sa resolusyon dahil ang obserbasyon niya at ng nakakarami ay hilaw pa ang programa at sapilitan ang pagpapatupad.

Kabilang aniya sa mga dapat pang plantsahin ay ang mga ruta ng mga bagong sasakyan, gayundin ang  pagbabayad sa modern jeepneys ng mga operator at driver kung hindi rin naman tumaas ang kanilang kita.

Pinuna rin ni Sen. Joel Villanueva na higit 11% pa lamang ng local government units (LGUs) ang naaprubahan ang isinumiteng route plan para sa naturang programa.

Binanggit din niya na mismong ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines na ang nagsabi na ang P2 milyon o higit pa na halaga ng isang modern jeepney ay hindi kakayaning bayaran ng mga operator at driver na kumikita lamang ng P650 kada araw.

Inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang resolusyon na ang layon ay masuri at mapag-aralan ng husto ang programa.

TAGS: PUV modernization program, Senate, PUV modernization program, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.