Paglipat ng PhilHealth fund pinasisilip ni Ejercito sa Senado

By Jan Escosio July 30, 2024 - 02:34 PM

PHOTO: JV Ejercito STORY: Paglipat ng PhilHealth fund pinasisilip ni JEjercito sa Senado
Sen. JV Ejercito | File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Nais ni Sen. JV Ejercito na mabusisi ng Senado ang pagkakalipat ng sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) sa “unprogrammed fund.”

Sa kanyang inihain na Senate Resolution No. 1087, nais niya na ang mag-imbestiga ukol sa pondo ng Philhealth ay ang Committee on Health and Demography.

Ayon kay Ejercito hindi katanggap-tanggap na magkaroon ng napakalaking halaga ng pondo na hindi nagagamit ang PhilhHealth, ang pangunahing ahensiya sa pagpapatupad ng mga probisyon ng Universal Health Care (UHC) Act.

BASAHIN: PhilHealth may P500B para sa benepisyo ng mga miyembro – Recto

Iginiit niya na mas marami pa sanang mahihirap na Filipino ang natulungan kung wasto ang paggamit ng pondo ng PhilHealth.

Idinagdag pa niya na ang dapat gawin ng PhilHealth ay isaalangalang ang mababang buwanang kontribusyon ng mga miyembro, ang mas kapakipakinabang na mga health package, at ang pagdadagdag sa mga benepisyo para sa mga miyembro nito.

Binanggit niya na, ayon sa Bureau of the Treasury (BOTr), mula noong 2021 hanggang 2023, umabot sa P89.9 na bilyon ang hindi nagamit ng PhilHealth.

TAGS: JV Ejercito, Philippine Health Insurance Corp., JV Ejercito, Philippine Health Insurance Corp.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.