Biyahe ni VP Duterte at pamilya abroad aprubado ng Malacañan
METRO MANILA, Philippines — Noon pang nakaarang ika-9 Hulyo inaprbahan ng Malacañan ang biyahe sa abroad ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang pamilya.
Sa inilabas na pahayag ng Office of the Vice President (OVP), personal ang biyahe ni Duterte at ito ay may travel authority mula sa Office of the President (OP).
Sa kasamaang palad, ayon pa sa OVP, ay nasabay ang biyahe sa naging pananalasa ng Typhoon Carina at habagat.
BASAHIN: Birò lang ‘designated survivor’ remark ni VP Duterte – Escudero
Inanunsiyo na rin ng tanggapan na kumikilos na ang Disaster Operations Center nito para maghatid ng mga kinakailangang tulong ng mga apektadong Filipino.
Nagpasalamat na rin ang OVP sa mga nakaka-unawa sa pribadong buhay ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.