Signal No. 2 itinaas sa Batanes sa paglapit ni Carina

By Jan Escosio July 23, 2024 - 11:30 AM

PHOTO: Satellite map showing position of Typhoon Carina (Gaemi) STORY: Signal No. 2 itinaas sa Batanes sa paglapit ni Carina

METRO MANILA, Philippines — Lumayo sa Cagayan ngunit lumapit sa Batanes ang Typhoon Carina (Gaemi) kasabay nang paglakas at pagbilis sa ibabaw ng Philippine Sea, ayon sa 11 a.m. bulletin nitong Martes ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Kaninang 10 am.. ang sentro ng bagyo ay nasa layong 320 km silangan ng Basco, Batanes o 405 km sa silangan-hilagang silangan ng Aparri, Cagayan.

Lumakas sa 14o kph ang dalang hangin ng bagyo at ang bugso ay umaabot sa 170 kph.

BASAHIN: LIVE UPDATES: Typhoon Carina

Bumilis ang takbo ng bagyo sa 15 kph at tinatahak ang direksyon patungong hilaga.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga lugar na ito:

  • Batanes, sa mga bayan ng Itbayat, Basco, Mahatao, Uyugan, at Ivana

Nasa Signal No. 1 naman ang mga sumusunod:

  • natitirang bahagi ng Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • silangang bahagi ng Isabela na sakop ang Divilacan, Palanan, Maconacon, Dinapigue, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Cabagan, San Pablo, Santa Maria
  • hilagang bahagi ng Apayao na sakop ang Calanasan, Luna, Pudtol, Flora, Santa Marcela
  • hilagang bahagi ng Ilocos Norte na sakop ang Pagudpud, Bangui, Adams, Dumalneg, Burgos, Vintar
  • hilagang bahagi ng Aurora na sakop ang Dilasag, Casiguran, Polillo Islands, Calaguas Islands
  • hilagang bahagi Catanduanes na sakop ang Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, Caramoran

TAGS: Carina, Gaemi, Pagasa, Philippine weather, Carina, Gaemi, Pagasa, Philippine weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.