Masusunod ang POGO total ban na utos ni Marcos – Pagcor
METRO MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na maipapatupad ang idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na total ban ng mga Philippine offshore gaming operators (POGO).
Sinabi ni Pagcor Chairman Alejandro Tengco sapat na ang ilang buwan para masunod nila ang nais ni Marcos.
Nabanggit na lang din ni Tengco na may 42,000 Filipinos ang mawawalan ng trabaho dahil sa anunsiyo ni Marcos, bukod pa sa ibang umaasa ng kabuhayan sa mga POGO.
BASAHIN: Marcos bans Pogo, cites ‘disorder’ it caused PH
BASAHIN: Puksaín mga sindikato, huwág mga POGO – Pagcor chief Tengco
Aniya, ibinilin naman ni Marcos sa Department of Labor and Employment (DOLE) na gumawa ng mga paraan upang magkaroon ng bagong trabaho ang mga maaapektuhan sa tigil-operasyon ng POGOs.
Sa ngayon may 43 na legal POGOs na lamang sa bansa.
Personal na napakinggan ni Tengco ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Marcos sa Batasang Pambansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.