Food inflation babagal sa susunód na mga buwán – NEDA chief
METRO MANILA, Philippines — Positibo si Socio-economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, na namumunò ng National Economic and Development Authority (NEDA), na babagal sa mga susunód na buwán ang food inflation — o pagtaás ng presyo ng mga pagkain.
Sa isang press briefins sa Malacañang nitóng Martés, ipinaliwanag niyá na ang mataas na food inflation noong nakaraang buwan ng Hunyo ay dahil sa tag-tuyót na dulot ng El Niño, African swine fever, at pabago-bagong food supply sa ibáng mga bansâ.
BASAHIN: Inflation nitóng Hunyo bahagyáng bumabâ sa 3.7%
BASAHIN: P5 per kg bawas sa presyo ng bigás sa Agosto – Recto
Tumaas sa 6.5% ang food inflation noong Hunyo kumpara sa 6.1% noong Mayo bunga ng mas mataás na presyo ng mga guláy, karné, at maís.
Makakatulong din aniya para maibabâ ang halagá ng mga pagkain ang karagdagang pondo na inilaán sa Department of Agriculture (DA) sa susunód na taón.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.