5-pulis bigong sumipot sa MPD

July 16, 2015 - 08:12 AM

Untitled
Kuha ni Ruel Perez

(updated) Hindi nagpakita sa headquarters ng Manila Police District ang limang pulis nasangkot sa insidente ng pamamaril sa isang tricycle driver sa Sampaloc Maynila.

Ito ay sa kabila ng ultimatum na ibinigay ni MPD Director Chief Supt. Rolando Nana na hanggang alas 8:00 ng umaga lamang.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Nana, dahil inalis na sila sa serbisyo sa station 4 ng MPD, dapat ay magpakita sila ngayong umaga sa headquarters ng MPD. Kung hindi sisipot ay ipahahanap na sila ni Nana.

Ayon kay Nana, nakahanda na ang kanilang tracker team para hagilapin ang limang pulis na kinabinilangan nina S/Insp. Rommel Salazar na hepe ng Police Community Precinct sa Sampaloc at mga tauhan niyang sina PO3 Ferdinand Galera, PO1 Jomar Nandoy, PO1 Ronald Depasina at PO1 Roel Landrito.

“Kung ipinatupad lang nila ang police operational procedures, hindi na dapat umabot sa pamamaril. Talaga pong may mananagot ditto, bibigyang pansin natin ito,” paniniyak ni Nana.

Ang limang pulis ay sangkot sa pagpatay kay Robin Villarosa na nakuhanan pa sa CCTV camera. Kita sa camera na nakataas ang kamay ni Villarosa at aktong paluhod na pero binaril pa rin ito ng isa sa mga pulis./ Ruel Perez, Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: mpd rubout, Radyo Inquirer, rolando nana, mpd rubout, Radyo Inquirer, rolando nana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.