24 sugatan sa tatlong pagsabog sa tren sa Taipei

By Kabie Aenlle July 08, 2016 - 04:20 AM

 

AP Photo/Inquirer.net

Hindi bababa sa 24 ang nasugatan sa isang pagsabog na naganap sa cabin ng tren sa Songshan Railway Station sa Taipei kagabi.

Patungo ang nasabing tren sa Keelung sa northern Taiwan mula sa Taipei na tinatayang nasa tatlong oras ang layo.

Ayon kay National Police Agency Director-General Chen Kuo-en, sa ngayon hindi pa nila ito nakikita na isang uri ng terorismo.

Pero ayon sa mga nakasaksi ng kaganapan partikular na ang mga pasahero, may isang lalaking pumasok at nag-iwan ng bag sa cabin ilang sandali bago ang pagsabog.

Natagpuan ng mga pulis ang isang itim na bagay na may habang 20 centimeters sa may upuan ng tren na ayon kay Mr. Chen ay mukhang paputok.

Hinala rin ng mga pasahero na isa itong paputok dahil may laman itong pulbura.

Naapula naman agad ng Fire Department ng Taipei ang sunog na bumalot sa ika-anim na coach ng tren.

Tatlong pagsabog din anila ang narinig sa tren bago tuluyang nasunog ang nasabing bahagi ng tren.

Inatasan naman na ni Premier Lin Chuan ang mga ahensya ng gobyerno na bumuo ng grupong mag-iimbestiga sa nasabing bagsabog at tulungan ang mga ito na malapatan ng lunas.

Apat sa mga biktima ang lubhang nasaktan kabilang na ang isang 14-anyos na binatilyong nagtamo ng third-degree burns sa mukha.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.