Pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakatalaga nito sa kanya bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Matatandaang kagabi lamangm inanunsyo ni Pangulong Duterte na kanyang iniaalok ang puwesto kay Robredo kahit dati na nitong sinabi na wala siyang balak na bigyan ng posisyon ang Pangawalang Pangulo dahil ito ay ‘sa kabila’.
Sa pamamagitan aniya nito, magagawan na niyang matulungan ang mga mahihirap.
Ayon kay Robredo, dati nang ninais ng kanyang pumanaw na mister na si dating Kalihim Jesse Reobredo na tugunan ang problema ng mga walang tahanan.
Mas mapapaglingkuran na niya aniya ang mga mahihirap at maipagpapatuloy ang ang pangakong maipagpatuloy ang kaunlaran sa mga kapus-palad na kababayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.