Remittance ng PAGCOR, kulang ng higit P15-bilyon-COA

By Jay Dones July 08, 2016 - 04:21 AM

 

coa-0115Nabigo ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na i-remit ang nasa 15-bilyong pisong kita nito sa national treasury sa pagitan ng 2011 hanggang 2015.

Ito ang nilalaman ng 2015 annual audit report ng Commission on Audit.

Sa naturang ulat, lumilitaw na simula noong 2011 hanggang 2015, dapat ay nag-remit ng P98.521 bilyon ang PAGCOR sa kaban ng bayan na kumakatawan sa 50% na share ng pamahalaan sa kita ng gaming regulator.

Gayunman lumilitaw na sa naturang panahon, nakapag-remit lamang ng P72.599 bilyon lamang ang PAGCOR sa Bureau of Treasury na may diperensya ng mahigit P25.962 bilyon.

Lumitaw din sa audit report na may over-remittance na 10.561 bilyon ang PAGCOR na cash dividend, nagresulta ito ng P15.401 bilyon na under-remittance sa panig ng PAGCOR.

Gayunman, iginiit ng PAGCOR na tama lamang ang kanilang iti-nurn over na remittance sa Bureau of Treasury.

Sa ilalim anila ng Presidential Decree number 1869, 50 porsiyento ng kita ng ahensya ang mapupunta sa national government at nakabatay ito sa gross earnings ng ahensya mula sa kanilang mga gaming operations.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.