Isa pang umano’y tulak ng shabu, patay sa pagpalag umano sa mga pulis
Patay ang isang drug pusher sa ginawang follow operation ng district anti-illegal drugs ng Caloocan PNP.
Ayon kay police Senior Inspector Bernard Pagaduan, hepe ng district anti-illegal drugs ng caloocan, habang nagsasagawa sila ng oplan galugad sa brgy. 118 caloocan, isang mag-asawa na suspek sa pagtutulak ng shabu ang naaresto at dalawang minor ang naaktuhan gumagamit ng shabu.
Ang mga naarestong umanong ito ang siyang nagtimbre na may nagbebentahan ng shabu sa bnba compound.
Agad na pinuntahan ito ng operatiba ng daiD para iverify, pero pagdating sa lugar agad pinaputukan ni alyas opel ang miyembro dait mula sa bubungan ng bahay.
Kaya agad naman gumanti ng putok ang mga pulis, na tinamaan ng bala ang suspek na dahilang mahulog sa bubungan, pero nagawa pa nitong makagapang sa pinakasilong ng bahay at duon na binawian ng buhay.
Ayon sa soco, nakuha sa suspek ang isang sachet ng shabu, cal. 38 revolver at ilang basyo.
Kinumpirma naman ng brgy. 118 na minsan nang kinatok ang nasawing suspek na itigil na ang pagtutulak ng shabu, pero sinabi nito na wala siyang ipapakain sa pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.