Drug suspect na South Korean nahuli sa Clark airport
METRO MANILA, Philippines — Napigilan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport na makalabás ng bansâ ang isang South Korean national na wanted sa kanyang bansâ.
Itó ay ayon sa pahayág ng BI nitóng Miyerkules, ika-19 ng Hunyo.
Naharang daw noong Lunes, ika-17 ng Hunyo, ang 33-anyos na si Choi Minjae bago itó makasakáy ng Jeju Air patungong Seoul, South Korea.
Sinabi ni Immigration Chief Norman Tansingco napasama sa wanted list ng BI si Minjae noóng Pebrero dahil sa pagiging “undesirable alien.”
Nang humaráp ito sa isang immigration officer sa Clark Airport lumabás na siyá ay may blacklist deportation order kayát hindí na siyá pinayagan na makasakáy ng eroplano.
Nasa red notice din ng Interpol si Minjae dahil sa kinakaharáp na kasong may kinalaman sa droga sa South Korea.
Base sa record ng kanyang kaso, mula noong Abril 2022 hanggang Hunyo 2023 nasangkót si Minjae sa online na pagbebenta ng $3.27 milyong halagá ng droga, partikulár na ang synthetic marijuana.
Nadiskubré din ang kanyáng 539 na drug transactions sa pamamagitan ng messaging app na Telegram.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.