Lapid nais maimbestigahán ang sinalakay na POGO hub sa Porac

By Jan Escosio June 11, 2024 - 04:03 PM

PHOTO: Map of Pampanga STORY: Lapid nais maimbestigahán ang sinalakay na POGO hub sa Porac
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Lito Lapid nitóng Martés na maisama na rin sa isinasagawáng imbestigasyón ng mga komité sa Senado ang sinalakay na Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Residente ng naturang bayan si Lapid at nais niyáng makilala ang mga nasa likód ng naturang POGO hub.

Partikulár siyang may interes sa may-arì ng lupà na pinagpatayuán ng gusalì ng POGO, maging ang kumpanya na nagpapatakbó nitó.

BASAHIN: Puksaín mga sindikato, huwág mga POGO – Pagcor chief Tengco

BASAHIN: Mga pekeng opsital ng mga POGO tinitiktikan ng PAOCC

Kasabáy nitó, umapilá siyá sa media na magíng balanse at responsable sa pag-uulat ukol sa sinalakáy na hub upang waláng madamay na mga inosenteng tao.

“Kamí ay nananawagan sa atíng mga kapatíd sa media at social media na magíng responsable at mapanurì bago magpahayág ng mga waláng basehán na akusasyón nang sa ganoón ay maiwasang mapagbintang´n ang mga inosente at walang kasalanan,” apilá ni Lapid.

Pinurì namán niyá ang ginagawáng mga operasyón ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban sa mga ilegál na mga POGO hub, sabáy pagkondená sa mga krimén na iniuugnay sa operasyón ng mga ilegál na negosyo.

TAGS: illegal POGO, Lito Lapid, Philippine offshore gaming operator, illegal POGO, Lito Lapid, Philippine offshore gaming operator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.