May bawas-presyo sa gasolina, krudo, at gaás bukas, Hunyo 11
METRO MANILA, Philippines — Matatapyasán ang presyo ng mga produktong-petrolyo bukas, ika-11 ng Hunyo.
Sa magkakahiwaláy na abiso ng mga kumpanyá ng langis, P1.20 ang mababawas sa kada litro ng krudo, P1.30 sa gaás. at 60 sentimo namán sa gasolina.
Noóng nakaraáng linggó, tumaás ng 60 sentimoi ang halagá ng krudo at 80 sentimo kada litro sa gaás, samantalag bumabâ naman ng 90 sentimo ang presyo ng gasolina.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
BASHIN: Mag-ingat sa pagpili at pagkabit ng mga solar power panel – DOE
Ang pagbabâ ngayóng linggó ng mga presyo, ayon sa Department of Energy (DOE), ay dahil sa bumabáng pangangailangan sa langís at pagdami ng produksyón sa Amerika.
Mulâ ng simulâ ng taón hanggáng noóng nakaraáng linggó, P6.65 ang nadagdág na sa gasolina at P5.45 namán sa diesel, samantalang 25 sentimo ang ibinabâ ng ng gaás.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.