3 magpipinsan patáy nang tamaan ng kidlát sa Bulacan

By Jan Escosio June 07, 2024 - 01:29 PM

PHOTO: Map of Bulacan STORY: 3 magpipinsan patáy nang tamaan ng kidlát sa Bulacan
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Patáy ang tatlóng magpipinsan nang tamaan silá ng kidlát sa gitnâ ng bukid sa Pulilan, Bulacan noong nakaraang Miyerkules, ika-5 ng Hunyo.

Ayon sa imbestigaysón ng pulís, naglalarô siná Rexter Enriquez, 16; Rocsan Enriquez, 12; at April Almoradie, 11 — pawang mga residente ng Barangay Inaon — nang maganáp ang insidente kasabáy ng malakás na buhos ng ulán.

Hindí naman nasaktán ang limá sa kaniláng mga kalarô.

Tinamaan din ng kidlát ang isáng basketball backboard at nahatì din ang isang punò ng manggá.

Isinugod pa sa Dr. Magdalena Reyes Hospital ang tatlóng biktima ngunit pare-parehong hindí na umabót ng buháy.

TAGS: lightning deaths, lightning deaths

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.