Baon ng Pinoy athletes sa 2024 Paris Olympics ibinilin ni Go

By Jan Escosio June 07, 2024 - 01:13 PM

PHOTO: Naglalakád ang dalawáng pulís sa haráp ng isáng banner ng 2024 Paris Olympics sa labás ng National Assembly ng France. STORY: Baon ng Pinoy athletes sa 2024 Paris Olympics ibinilin ni Go
Naglalakád ang dalawáng pulís sa haráp ng isáng banner ng 2024 Paris Olympics sa labás ng National Assembly ng France. —File photo mulá Agence France-Presse

METRO MANILA, Philippines — Pinatitiyák ni Sen. Christopher Go sa gobyerno ang tulong-pinansyál sa mga atletang Filipino na sasabak sa papalapít na 2024 Paris Olympics.

Idiniín ni Go na napakahalagá na may pondo ang mga atleta para sa kaniláng pagsasanay at paghahandâ.

Ipinaliwanag pa ni Go, na siyang namumuno sa Senate Committee on Sports, na ang mga atletang Filipino ay hindí lamang makikipagtagisan sa ibat-ibáng mga atletang banyagà kundi magsisilbi din silang “ambassadors” ng Pilipinas kayát nararapat na bigyán sila ng suporta.

Ibinahagi pa ng senador na kinausap na niyá ang Philippine Sports Commission (PSC) at siniguro na maibibigáy ang tulong-pinansyál sa mga atleta bago pa magsimulâ ng Olympics.

May 15 na Filipino ang nag-qualify sa ibat-ibá mga sports sa gaganapíng Olympics, na mula ika-26 ng Hulyo hanggang ika-9 ng Agosto.

Maaaring madagdagán pa ang bilang bago matapos itóng Hunyo.

TAGS: 2024 Paris Olympics, Christopher Go, Filipino Olympic athletes, 2024 Paris Olympics, Christopher Go, Filipino Olympic athletes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.