Bawas sa presyo ng gasolina, dagdág sa krudo at gaás sa Hunyo 4

By Jan Escosio June 03, 2024 - 06:43 PM

PHOTO: Fuel pumps STORY: Bawas sa presyo ng gasolina, dagdág sa krudo at gaás sa Hunyo 4
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Mababawasan ang presyo ng gasolina at madadagdagán namán ang presyo ng krudo at gaás simula bukas, ika-4 ng Hunyo.

Sa magkakahiwalyáy na pahayág ng ilang kompanyá ng langis, 90 sentimo ang matatapyás sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Tataás naman ng 60 séntimo ang halagá ng bawat litro ng krudo at 80 séntimo namán sa kada litro ng gaás.

BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito

Ang paggaláw ng mga presyo ay bunga ng  pagkakaiba-ibá sa produksyón ng langis ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Ayon sa Department of Energy, itó ay dahil din sa pagkakaiba-ibá sa pangangailangan sa langís ng maraming bansâ.

TAGS: fuel prices, oil firms, fuel prices, oil firms

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.