Legarda dudang handâ ang gobyerno sa pagbahâ ngayóng tag-ulán
METRO MANILA, Philippines — Nagpahayág nitóng Biyernes ng pagdududa si Sen. Loren Legarda sa kahandaán ng gobyerno sa maaaring pagbahâ ngayóng tag-ulán na.
Sinabi ni Legarda na matagál na dapat na sineryoso ng gobyerno ang mga epekto ng climate change dahil sa ngayón ay madalás na pabago-bago na ng klima at panahón.
Dagdág pa niyá na dapat ay “science-based” ang mga gagawing hakbáng at programa ng gobyerno at iwasan na ang pag-aksyón kung kaharáp na ang mga problema para maiwasan na rin ang mas malakíng pinsalà.
Mahalagá aniya na magpatulong sa mga eksperto para maging epektibo ang gagawing paghahandâ.
Kung maghahaból na ang gobyerno dapat, ayon pa kay Legarda, ay triplehin na nitó ang pagkilos upang hindî pa magíng hulíang lahát.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.