China binantaan ang US kaugnay sa pangingialam sa isyu sa South China Sea

By Kabie Aenlle July 07, 2016 - 04:31 AM

 

Inquirer.net/AP

Nagbanta ang China sa Estados Unidos na may kapalit ang pangingialam nila sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Sa isang editorial sa People’s Daily na flagship newspaper ng China, binalaan nila ang U.S. na tiyak na mayayanig ang bilateral ties sa pagitan nila at ang regional stability kung hindi pa rin matatanggap ng U.S. na may hangganan lamang ang panghihimasok sa isang isyu.

Ayon pa sa editorial, kung mas pipiliin ng United States ang mang-gipit sa ibang bansa, sila ang magiging responsable sakaling mas tumindi pa ang tensyon sa South China Sea.

Una na rin nilang binalaan ang U.S. na huwag maliitin ang kanilang determinasyon na protektahan ang integridad at soberanya sa anilang mga teritoryo.

Nag-anunsyo na rin ang China na magsasagawa sila ng military drills sa Paracel Islands sa South China Sea ilang araw bago ilabas ang matagal nang hinihintay na desisyon ng arbitral court kaugnay sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.