268 drug user at pusher nagsisuko na sa Valenzuela at Maynila

By Jong Manlapaz, Kabie Aenlle July 07, 2016 - 04:37 AM

 

 

Valenzuela PIO

Nakiisa na rin ang Valenzuela City police sa pagpapatupad ng mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga gamit ang programang “TokHang” na ginagamit na rin sa iba pang mga lungsod at probinsya sa bansa upang mapasuko ang mga gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga.

Umabot na sa 218 na mga drug users at pushers ang kusang sumuko sa iba’t ibang istasyon ng mga pulis sa mga barangay sa lungsod.

Isinailalim naman ng Valenzuela City police sa profiling ang mga sumuko sa kanila.

Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pangangako nila na ititigil na nila ang kanilang bisyo at isinuko na rin nila ang kanilang mga drug paraphernalia na sinunog naman ni Valenzuela PNP chief Senior Supt. Audie Villacin sa harap ng kanilang headquarters.

Nakikipagtulungan naman na ang pulisya sa lokal na pamahalaan para mabigyan ng counseling at rehabilitation ang mga ito.

Susubukan rin ng lokal na pamahalaan na matulungan ang mga sumuko na magkaroon ng trabaho o kaya ay hanapbuhay para hindi na sila bumalik sa kanilang bisyo.

Samantala, isinailalim rin sa mandatory drug test ang 730 na pulis ng lungsod.

Sa Maynila, nasa halos limampung katao na gumagamit at tulak ng bawal na gamot ang sumuko sa Arellano police community precint na sakop ng Malate.

Ayon kay Chief Insp. Paulito Sabulao, bahagi ng kanilang ‘Oplan Tokhang’ ang dahilan ng pagsuko kung saan  hinihikayat ang mga drug user at drug pusher na sumuko na lamang keysa mamatay at para mabigyan umano ng pagkakataong magbago.

Inaasahan ni Sabulao na madadagdagan pa nila ang bilang ng mga susuko sa mga susunod na araw.

Apat naman sa sumuko ay pawang mga kababaihan na aminadong gumagamit ng bawal na gamot, isasailalim din ang mga sumuko sa drug test.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.