Isa na namang holdaper-pusher, tumba sa Tondo, Maynila

By Jong Manlapaz July 07, 2016 - 04:36 AM

 

Kuha ni Topher Diocado

Patay ang isang notorius na holdaper-pusher  sa Moriones, Tondo Maynila, matapos makipagbarilan sa pulis sa isinagawang drug buy-bust operation ng Manila Police District.

Ang suspek ay kinilalang si Roger Bonifacio, 25, at  kasalukuyang naninirahan sa  Banaba alley, Rd 10, Tondo ng naturang lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon, isang tauhan ng MPD  ang naging poseur- buyer at nagpanggap na bibili ng illegal na droga kay  Bonifacio, pero nakilala ng suspek ang asset na police kaya agad na binaril nito ang pulis  ng dalawang beses.

Maswerte naman hindi tinamaan ang asset na pulis na gumanti rin ng putok na ikinamatay ng suspek.

Ayon sa asset na pulis, sa may pintuan ng kanyang bahay  na may nakasulat na ‘DU30 Boss Roger’  nagaganap ang bilihan ng droga.

Sinabi naman Supt. Redentor Ulsano, hepe ng MPD station 1, labas-pasok na sa kulungan ang suspek sa kasong robbery-holdup at ngayon pinasok na rin ang pagbebenta ng bawal na gamot.

Isang paltik na baril ang nakuha sa tabi ng labi ng suspek at hindi pa mabatid na gramo ng pinaghihinalaang  shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.