Cam footage pinausisà ukol sa pagpatáy ng Munti barangay chair
METRO MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang pag-repaso sa lahat ng mga security camera sa buong lungsod para matukoy ang pumatay kay Barangay Buli Chairman Kaok Loresca nitong Miyerkules ng gabi.
“Walang puwang ang karahasan sa Muntinlupa. Kinokondena ko ang karumal-dumal na pagpaslang kay Kap. Kaok Loresca. Hindi po natin titigilan ito hanggang makamit ang hustisya,” ani Biazon, na agad nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ng hepe ng barangay.
Sa ulat, nakaupo si Loresca sa tapat ng isang tindahan sa ML Quezon Street nang 10:16 p.m. nang lapitan ito ng dalawang lalaki at pinagbabaril.
BASAHIN: Pulis itinuro sa pagpatay sa Leyte barangay chairman
BASAHIN: Apat na bagong halal na barangay officials itinumba
Tumakas ang dalawang salarin sakay ng isang motorsiklo sa direksyon ng Barangay Sucat.
Ayon sa mga testigo, isa sa mga salarin ay may suot na uniporme ng Joyride rider at ang isa naman ay naka-itim na damit.
Namatay habang ginagamot sa Asian Hospital and Medical Center si Loresca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.