Walang nasaktang Pinoy sa Mt. Ibu eruption sa Indonesia – DMW

By Jan Escosio May 21, 2024 - 11:24 AM

PHOTO: Facade of the Department of Migrant Workers STORY: Walang nasaktang Pinoy sa Mt. Ibu eruption sa Indonesia – DMW
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Walang mga Filipino na nasaktan sa pagsabog ng Mount Ibu sa North Maluku Province sa Indonesia, ayon sa pahayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Martes.

Wala ring naiulat na nasaktang iba pang mga bayaga sa pagsabog noong bulkan noon Sabado, ika-18 ng Mayo.

Nasa 550 ang bilang ng Filipino sa naturang lugar, ayon sa DMW.

Nagbuga ng abo ang bulkan hanggang sa taas na 4 km base sa ulat ng Center for Volcanology and Geological Hazard Mitigation ng Indonesia.

Dalawang araw bago ang pagsabog, inilagay ng Volcanological Survey of Indonesia sa pinakamataas na alert level ang Mt. Ibu bunga ng sunod-sunod na pagsabog na ngayon buwan.

Inilikas ang mga residente ng pitong malapit sa bulkan na pamayanan kasabay nang pagrekomenda na umalis ang mga nasa loob ng pitong kilometro mula sa bulkan.

 

TAGS: Mount Ibu explosion, OFWs in Indonesia, Mount Ibu explosion, OFWs in Indonesia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.