Mabilis na proseso susundin para sa Australian fugitive – DOJ
METRO MANILA, Philippines — Nangako ang Department of Justice (DOJ) na mabilis ang gagawing pag-proseso sa nahuling Australian na itinuturing na “high-profile fugitive” sa Indonesia dahil sa drug trafficking.
Naaresto noong ika-15 ng Mayo sa Bogo, Cebu ang 46-anyos na si Gregor Johann Haas matapos makatanggap ang Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration ng “red notice” mula sa Interpol.
Napag-alaman ng Radyo Inquirer na noong nakaraang ika-29 ng Enero nagpalabas ng warrant of arrest ang National Narcotics Board of Indonesia laban kay Haas dahil sa pagpupuslit ng 5 kg ng mga droga mula sa Guadalajara, Mexico .
Sa inilabas na pahayag ng DOJ, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang pagkakahuli kay Haas ay patunay lamang na hindi ligtas sa mga pugante ang Pilipinas sa kanilang pagtatago dahil tutugisin sila ng mga awtoridad.
Hindi naman nabanggit ng DOJ kung kailan nakapasok ng Pilipinas si Haas na nakakulong ngayon BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Nasimulan na ang proseso upang maibigay na siya sa mga awtoridad ng Indonesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.