Women’s Crisis Center binuksan na sa Las Piñas

By Jan Escosio May 09, 2024 - 05:54 PM

PHOTO: Las Piñas Vice Mayor April Aguilar and Mayor Isabel Aguilar
Pinangunahan nina Mayor Imelda Aguilar (kanan) at ni Vice Mayor April Aguilar ang pagbubukas ng Women’s Crisis Center sa Las Piñas nitong Huwebes, May 9, 2024. (Photo from the Facebook page of the City of Las Piñas)

METRO MANILA, Philippines — May masisilungan na ang babaeng naging biktima ng ”gender-based violence” as Las Piñas City matapos pasinayaan nitong Huwebes ang Women’s Crisis Center sa Sta. Cecilia Village sa Barangay Talon Dos.

Ito ang kauna-unahan crisis center para sa mga babae sa Metro Manila, ayon kay Mayor Imelda Aguilar nitong Huwebes.

Dagdag pa ni Aguilar na ang proyekto niya at ni Vice Mayor April Aguilar, na anak niya, ay bahagi ng pagtugon ng pamahalaang lungsod sa mga pangangailangan ng mga kababaihan dumarnaas ng karahasan at pang-aabuso sa kanilang sariling pamilya o komunidad.

PHOTO: Las Piñas Vice Mayor April Aguilar in the kitchen of the Women’s Crisis Center
Las Piñas Vice Mayor April Aguilar in the kitchen of the Women’s Crisis Center. (Photo from the Facebook page of the City of Las Piñas)

Ayon sa isang post sa Facebook page ng Las Piñay City, itong proyektong ito ay tugón sa dumaraming kaso ng karahasan laban sa mga babae sa naturang siyudad.

Base sa ulat ng Violence Against Women and their Children, ang Las Piñas ay may naitalang 1,945 kaso ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso noong 2022  at ito ay bahagya lanng bumaba sa 1,887 noong nakaraang taon.

Kaya ng crisis center na bigyan ng pansamantalang tirahan at serbisyong pang rehabilitasyon ang 40 na babae. Ang center ay nagbibigay ng counseling, legal assistance, at livelihood training.

PHOTO: Common area at the Las Piñas Women’s Crisis Center
Common area at the Las Piñas Women’s Crisis Center. (Photo from the Facebook page of the City of Las Piñas)

Paliwanag pa ni Aguilar, ang proyekto ay nabuo sa pakikipagtulungan ng Las Piñas sa Department of Social Welfare and Development.

Dumalo din sa pagpapasinaya sa crisis center si Vice Mayor Aguilar, gayundin ang department heads ng lokal na pamahalaan.

Corridor of the Las Piñas Women’s Crisis Center
Corridor at the Women’s Crisis Center. (Photo from the Facebook page of the City of Las Piñas)

TAGS: violence against women, Women’s Crisis Center, violence against women, Women’s Crisis Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.