Iimbestigahan ang ‘strip search’ ng mga babaeng dalaw sa NBP
METRO MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang ang reklamo ng mga asawa at ibang mga babeng dalaw ng mga bilanggo sa pagsasagawa ng “strip search” sa kanila as New Bilibid Prison (NBP).
Sinabi rin ni Catapang na nakahanda din ang BuCor na maimbestigahan ng iba para maipaliwanag nila ang proseso na kanilang isinasagawa sa mga dalaw.
Pinaliwanag na rin niya na ang “strip search” — pagpapahubad sa mga babaeng dalaw — ay isinasagawa naman sa lahat ng kulungan sa bansa dahil sa pagdami ng insidente ng pagpupuslit ng mga kontrabando na itinatago sa mga pribadong bahagi ng katawan.
BASAHIN: ‘Strip search’ sa Makati City Police sisiyasatin ng CHR
BASAHIN: 4 na pulis na nakuhanan sa viral na strip search video, sinibak sa pwesto
BASAHIN: “Strip-search” sa mga Cebu inmates, pinaiimbestigahan sa Kamara
Mula noong Oktubre 2023 hanggang nitong ika-8 ng Marso, 30 bisita na ang nahuling nagtatangka na magpuslit ng droga at sigarilyo na nakasinggit sa kanilang ari o mga tahi sa kanilang kasuotan.
At tanging babaeng tauhan din ng kulungan ang nasasagawa ng “strip search” ng mga babaeng dalaw, ayon sa acting NBP superintendent, Corrections Chief Insp. Roger Boncales.
Kayat, ayon kay Catapang, umapila na sila sa Kongreso na bigyan sila ng karagdagang pondo pambili ng “full body scanners” na katulad ng mga ginagamit sa airport para malaman kung may mga kontrabando sa katawan ng mga dalaw.
Sa ganitong paraan, hindi na kailangang paghubarin ang mga dalaw at maiiwasan na ang “physical contact.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.