Nancy Binay natuwa sa suporta ni Marcos sa Pinoy street food tourism

By Jan Escosio May 06, 2024 - 06:14 PM

PHOTO: Fishballs in a wok STORY: Nancy Binay natuwa sa suporta ni Marcos sa Pinoy street food tourism
Fishballs being fried (INQUIRER.net file photo)

MANILA, Philippines — Ikinagalak ni Sen. Nancy Binay ang pagsuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa “Chibog,” ang Filipino street food tourism na proyekto ng gobyerno.

“Natutuwa po tayo at pati ang presidente ay na-aapreciate ang patuloy na pagkilala sa ibat-ibang Pinoy street food bilang  mahalagang sangkap sa pagpapa-angat ng ating turismo,” sabi ni Binay nitong Lunes.

Aniya naniniwala siya na malaki ang potensiyal ng food tourism sa bansa at makakatulong ito para mapaunlad ang sektor ng turismo.

Sinabi pa ni Binay na dapat na kilalanin ang nagbebenta ng ganitong mga pagkain sa bangketa dahil sa pagpapasarap ng husto sa mga tinatangkilik na mga paborito.

Idiniin pa nito na naniniwala siya na kakaiba talaga ang “street food” sa bawat probinsiya o rehiyon

TAGS: Chibog, Nancy Binay, street food tourism, Chibog, Nancy Binay, street food tourism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.