Mag-ingat sa pagpili at pagkabit ng mga solar power panel – DOE

By Jan Escosio May 02, 2024 - 10:25 AM

PHOTO: Solar panels on a Makati public school STORY: Mag-ingat sa pagpili at pagkabit ng mga solar power panel – DOE
Solar panels on the roof of a Makati public school. (File photo from the Makati Public Information Office)

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Energy (DOE) sa mga nagbabalak na magpakabit ng mga solar power panel sa kanilang bahay.

Sinabi ni Energy Assistant Secretary Mario Marasigan na dapat ay sa mga lehitimong kompaniya lamang bumili at magpakabit ng mga solar panel yung mga nais makatipid sa bayarin sa kuryente.

Aniya ang kagawaran ay may listahan ng accredited businesses na garantisado ang pagkakabit ng mga panel.

BASAHIN: Publiko hinikayat ni Sen. Lito Lapid na gumamit ng solar panels

BASAHIN: SBMA, target na makapagtipid ng 39 porsyentong power cost sa pamamagitan ng solar power systems

Aminado si Marasigan na dumami ang nagpapakabit ng solar panel bunga na rin ng napapadalas na pagnipis ng suplay ng kuryente dahil sa tumitinding pangangailan dulot naman ng napakainit na panahon.

Ayon kay Marasigan na mataas pa ang presyo ng mga panel at ang pagpapakabit nito dahil nauna na itong tinangkilik ng husto sa ibang mga bansa dahil sa makakatipid sa bayarin sa kuryente.

Dagdag pa nito na maaring bumaba ang presyo ng mga panel kung mas marami ang aangkatin.

TAGS: Department of Energy, solar panels, Department of Energy, solar panels

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.