Nasa yellow alert ang Luzon power grid ng isang oras – NGCP
MANILA, Philippines — Simula ng 3 p.m. ngayong Huwebes ay ilalagay sa yellow alert status ulit ang Luzon power grid, ayon sa National Grid Corporation of the Phils. (NGCP).
Ang yellow alert ay tatagal lamang ng isang oras o hanggang 4 p.m.
Itong nakaraang buwan 20 planta ng kuryente ang puwersahang natigil ang operasyon.
BASAHIN: WESM sususpindihin muna tuwing may power red alert – Marcos
Bukod pa dito, may isa pang planta na nagbawas ng kapasidad.
Sa kabuuan, ayon sa NGCP, 1369.3 megaWatts ang nawala sa Luzon grid dahil sa aberya sa mga planta.
Dagdag pa ng NGCP, ang peak demand sa kuryente ngayon araw ay 13,818mW at ang available capacity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.