Gutóm na pamilyang Filipino dumami ayon sa SWS Q1 survey
MANILA, Philippines —Dumami ang mga pamilyang Filipino na nakaranas ng gutom sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa resulta ng isang Social Weather Station (SWS) survey na isinagawa mula Marso 21 hanggang 25.
Doon sa mga sumagot sa survey, 14.2% ang nagsabing na nakaranas silang magutom isang beses o higit pa sa nakalipas na tatlong buwan.
Ito ay 3.5% na mas mataas kumpara sa naitala sa katulad na panahon noong nakaraang taon.
Mas mataas naman ito ng 1.6% kumpara sa naitala sa katulad na “involuntary hunger” survey noong nakaraang Disyembre.
Paliwanag pa ng SWS, ang 14.2% involuntary hunger rate ay mataas ng 3.5 puntos sa naitalang 10.7%nna hunger rate noong 2023.
Noong Mayo 2021, naitala ang 16.8% hunger rate, kung kailan kasagsagan pa ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.