WESM sususpindihin muna tuwing may power red alert – Marcos

By Jan Escosio May 01, 2024 - 05:30 PM

PHOTO: Composite power lines with thermometer STORY: WESM operation ititigil muna tuwing may power red alert – Marcos
Composite image from INQUIRER.net file photos

MANILA, Philippines – Susupendihin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) tuwing naka “red alert” ang power grids sa bansa upang mapigilan ang pagtaas ng halaga ng kuryente.

Inanunsiyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Miyerkules.

“Dahil sa matinding init, tumataas ang konsumo ng kuryente na nakakadagdag sa pag-akyat ng presyo. Kahapon lamang ay kumilos na ang Energy Regulatory Commission o ERC upang pansamantalang isuspende ang operasyon ng tinatawag na Wholesale Electricity Spot Market o WESM kapag may idineklarang red alert ang system operator o NGCP,” sabi ni Marcos.

Tiniyak naman niya na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng mga hakbang para maiwasan na ipasa sa mga konsyumer ang anumang pagtaas sa presyo ng kuryente – lalu na sa panahong ito na sunud-sunod na pagtaas ng yellow at red alert notices sa Luzon at Visayas grids.

“Ito ay naglalayon na pigilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente sa gitna ng kalamidad na dulot ng El Niño,” paliwanag ni Marcos ukol sa naturang hakbangin ng ERC.

Ayon sa Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA), maaring suspindihin ng ERC ang operasyon ng WESM tuwing may pandaigdigan o pambansang banta sa seguridad o kahit sa tuwing may kalamidad.

TAGS: power red alert, Wholesale Electricity Spot Market, power red alert, Wholesale Electricity Spot Market

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.