Quarry operations sa Sariaya pinahinto ng pamahalaang-panglalawigan

By Jan Escosio April 27, 2024 - 08:21 AM

(FILE PHOTO)

Ipinahinto ni Quezon Province Governor Helen Tan ang lahat ng quarry operations sa bayan ng Sariaya.

Kasunod ito nang panawagan ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta sa kanyang mga kababayan na tutulan ang quarry at mining operations sa kanilang bayan.

Hinikayat naman ni Tan si Gayeta na pag-aralan ang lahat ng naibigay na business permits sa mga PRMB Quarry Permitees para lubos na mapag-aralan ang pangangalaga sa kalikasan kasabay ng paglinang sa mga likas na yaman lalo na sa mga lugar na nakapaligid sa bundok ng Banahaw.

Pagdiin ni Tan na adbokasiya niya ang tamang pangangalaga sa kalikasan, gayundin sa paglinang ng mga likas na yaman kayat pinahigpitan niya ang regulasyon sa quarry at mining operations sa kanilang lalawigan.

Kasabay nito, inatasan niya ang PRMB na suriin ang lahat ng posibleng pagkukulang ng mga Quarry Permitee na hindi nabigyan ng permit to quarry sa Sariaya.

Sinabi ng opisyal dapat ay may ugnayan ang pamahalaang-panglalawigan at mga lokal na pamahalaan ukol sa isyu.

Pinatitiyak din niya na na walang illegal quarry operations sa iba pang mga bayan at walang mining operations malapit sa mga naideklarang protected areas.

TAGS: quarry, quezon province, quarry, quezon province

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.