Juno spacecraft ng NASA, umiikot na sa planetang Jupiter

By Kabie Aenlle July 06, 2016 - 03:25 AM

 

AFP

Sinuong ng spacecraft ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang katakot-takot na radiation para marating sa wakas ang planetang Jupiter noong Lunes matapos ang limang taon nitong paglalakbay sa kalawakan.

Nagpalakpakan ang mga ground controllers sa NASA Jet Propulsion Laboratory (JPL) at Lockheed Martin nang matanggap nila ang report mula sa solar-powered na Juno spacecraft na umiikot na ito sa mga poles ng Jupiter.

Habang papalapit ang Juno sa target nito, nag-fire pa ang rocket engine nito bago daan-dahang ibinaba ang sarili upang makalusot sa orbit ng Jupiter.

Dahil sa communication time lag sa pagitan ng Jupiter at Earth, naka-autopilot lang ang Juno nang gawin nito ang pag-pasok sa Jupiter.
Base sa ulat ng mga mission managers, maayos ang lagay ng Juno at naisakatuparan nito ng maayos ang pag-dating sa malaking planeta.

Pagkatapos nito ay inilabas ng NASA ang isang time-lapse video na nakuhanan noong nakaraang linggo habang papalapit pa lang ang Juno, kung saan makikita ang kulay dilaw na Jupiter at ang apat na inner moons nito na umiikot sa nasabing planeta.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.