Go inalmahan ang pamumulitika ng DSWD sa ayuda

By Jan Escosio April 24, 2024 - 08:46 AM

Sen. Bong Go sinabing may pulitika na sa ayuda ng DSWD.(SENATE PHOTO)

Kinompronta ni Senator Christopher “Bong” Go ang ilang opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian, hinggil sa mabagal na pamamahagi ng tulong-pinansiyal sa mga mahihirap na Filipino.

Nangyari ang komprontasyon sa pagdinig ng Committee on Social Justice, na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos, kaugnay sa mga ibinibigay na ayuda ng DSWD.

Unang inungkat ni Go ang nalaman niyang pagbabawal na banggitin ang kanyang pangalan sa mga pamamahagi ng ayuda gayundin ang pagharang sa kanyang presensiya sa isang pagtitipon sa Alaminos City sa Pangasinan.

Isang opisyal ang umamin ngunit katuwiran naman nito na wala silang ibang pulitiko na pinayagan.

Kasunod nito ang pagkompronta ni Go kay Gatchalian kaugnay sa matagal na pamamahagi ng ayuda sa General Santos City.

Hindi na nagpigil ang senador at sinabi na napupulitika na ang pamamahagi ng ayuda ng DSWD.

Diretsahan din nitong tinanong si Gatchalian kung may balak itong kumandidato sa pagka-senador sa 2025 elections, na itinanggi naman ng kalihim.

Pinabulaanan din ni Gatchalian na sadyang pinatatagal ang pamamahagi ng ayuda sabay katuwiran na may proseso lang na sinusunod, partikular na ang pagberipika sa mga benipesaryo.

 

TAGS: ayuda, Pulitika, ayuda, Pulitika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.