Anumang araw ngayon linggo ay posibleng maiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa matinding pagbaha sa United Arab Emirates (UAE), ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sinabi ni Officer-in-charge Hans Leo Cacdac na pino-proseso na ng kanilang Migrant Workers Office (MWO) sa Dubai para sa pagpapa-uwi sa mga labi nina Dante Casipong, Jennie Gamboa at Marjorie Saquing.
“’Yung anak nung isa sa mga namatay ay on a visit visa at hanggang April 28 lang ang validity ng kaniyang visa kaya to avoid any complication ang aming target is on or before April 27 ay maka-uwi sila,” sabi naman ni MWO Dubai Labor Attache John Rio Bautista.
Aniya kinakailanga ng police at forensic reports, no objection certificate at death certificate mula sa Philippine Consulate.
Natanggap na rin ng kaanak ng dalawa sa mga nasawi ang mga personal na gamit, suweldo at iba pang benepisyo ng mga biktima.
Nabanggit ni Cacdac na kumuha na sila ng abogado para alamin na walang “foul play” sa pagkamatay ng tatlong OFWs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.