Home gardening sagot sa pangangailangan sa pagkain – Villar

By Jan Escosio April 20, 2024 - 09:47 AM

Urban agriculture at home gardening tugon sa pagtaas ng pangangailangan at konsumpsiyon sa pagkain, sabi ni Sen. Cynthia Villar. (OSCAV PHOTO)

Patuloy ang pagsusulong ni Senator Cynthia Villar sa urban agriculture at home gardening para matugunan ang pangangailangan sa pagkain ng lumulubong populasyon ng bansa.

Ayon kay Villar habang dumadami ang mga Filipino tumataas ang pangangailangan at konsumo sa pagkain.

Sinabi ng namumuno sa Senate Agriculture and Food Committee matagal na niyang sinimulan ang urban agriculture sa kanilang bahay sa Las Piñas City at ipinapangaral niya ito sa ibat-ibang dako ng bansa.

“Mahalaga sa ating mag papalay ang pagkakaroon ng cash crop habang naghihintay ng pag ani, at ito ay ang pag tatanim ng gulay, pagdikit nito sa mamimili, at pagsunod sa good agricultural practices o GAP,” aniya.

Ibinahagi din niya na ang kanilang pamilya ay may apay na farm schools, isa sa Las Piñas – Bacoor para sa NCR, Regions 4A-4B at Region 5; sa San Jose Del Monte City, Bulacan para sa  Central, Northern Luzon at Cordillera; San Miguel, Iloilo para sa Visayas atDavao City para naman sa Mindanao.

Namamahagi din siya ng  vegetable seeds para sa mga nais subukan ang home gardening.

“This will ensure the availability of affordable and nutritious foods for Filipino families.This can also provide livelihood  since the products are brought to the market,” ang mensahe ng senadora sa pagdalo sa Harvesting Festival and Farmer’s Field School Graduation ng Upscaling of the ‘Gulayan sa Palayan at Pagnenegosyo’  sa Castillejos, Zambales.

TAGS: urban gardening, urban gardening

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.