DepEd kinondena pagpatay sa Gr. 8 pupil sa Batangas

By Jan Escosio April 19, 2024 - 06:14 PM

(FILE PHOTO)

Labis na kinondena ng Department of Education (DepEd) ang pagpatay sa isang Grade 8 pupil sa Agoncillo, Batangas.

“We deplore this heartless act of violence against our learners.” “There is no place for such a brutal act in our society, more so against children who we aim to nurture as peace champions and nation builders,” ang pahayag ng kagawaran.

Kasabay nito, nagpahatid na ng mensahe ng pakikiramay ang DepEd sa pamilya ng biktima.

Nanawagan din ang kagawaran sa mga awtoridad na kilalanin at arestihin agad ang salarin para mabigyan agad ng hustisya ang biktima.

Nabatid na papasok na sa eskuwelahan ang 13-anyos na biktima sa Barangay Banyaga nang ssbayan sa paglalakad ng salarin.

Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang binaril sa ulo ang biktima at ang suspek ay tumakas sakay ng motorsiklo.

Hindi pa alam ang motibo sa pamamaslang.

TAGS: Murder, pupil, Murder, pupil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.