P3,000 oil price hike ayuda sa mga magsasaka, mangingisda

By Jan Escosio April 12, 2024 - 06:57 PM

Tatanggap ang mga  mangingisda ng P3,000 ayuda mula sa DA bilang subsidiya sa mataas na presyo ng mga produktong-petrolyo.               (INQUIRER PHOTO)

Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na bibigyan ng P3,000 fuel subsidy ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.

Ang P3,000 ayuda, sabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa ay tulong kasabay nang patuloy na pagtaas ng mga produktong-petrolyo.

“It is a one-time assistance para tumulong dito sa pagtaas ng presyo ng gasolina (to help amid the oil price hike). Inaayos lang dito iyong guidelines. Sa mga susunod na araw, ilalabas na rin itong fuel assistance para sa ating mga mangingisda at magsasaka,” sabi ni de Mesa sa Bagong Pilipinas press briefing.

Dagdag pa niya, halos P1 bilyon ang inilaan ng kagawaran para sa naturang at ito ay pantay na hahatiiin para sa mga benepisaryong magsasaka at mangingisda.

Sinabi niya na ang mga benepisaryo ay ang mga magsasaka na ang makina ay nakarehistro sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors In Agriculture, samantalang sa mga mangingisda ay ang mga gumagamit ng bangka na hindi lalagpas sa tatlong metriko tonelada.

 

TAGS: ayuda, magsasaka, Mangingisda, ayuda, magsasaka, Mangingisda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.