Ph, US & Japan maglalatag ng big-ticket investments Luzon
Nagkasundo ang Pilipinas, Japan at US na ikasa ang Partnership for Global Infrastructure and Investment (PGII) Luzon Corridor.
Sa mga nakapalaloob na proyekto sa planong pang-imprastraktura mapapagdugtong ang Clark, Subic at Batangas.
Itinatag ang PGII ng mga miyembrong bansa ng G7 at ito ay napaglaanan ng $600 billion hanggang 2027 para sa infrastructure investments sa ilang mga bansa.
Nabatid na ang plano ay ang kauna-unahan sa Indo-Pacific at inaasahan na matatalakay ito sa trilateral meeting nina Pangulong Marcos Jr., US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Kabilang sa maaring maging proyekto sa plano ay high-impact infrastructure projects, kabilang ang ports, rail, clean energy, semiconductors, at supply chains.
Ang pagbubukas ng US Development Finance Corporation ng kanilang regional office dito sa Pilipinas ay iaanunsiyo sa pagpupulong ng tatlong lider sa Washington.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.