Señor Aguila, supporters pinalalayas sa lupa sa Surigao del Norte

By Jan Escosio April 08, 2024 - 06:44 PM

                                                   (FILE PHOTO)

Pinagsabihan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga bumubuo sa Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) sa pangunguna ni Jey Rence Quilario, Señor Agila sa inookupa nilang lupain sa Socorro, Surigao del Norte.

Ginawa ito ng DENR kasunod nang mga paglabag sa ilang probisyon sa kasunduan na naging epektibo noong 2004.

Nabatid na sa  Protected Area Community-Based Resource Management Agreement (PACBRMA) No. 74007 may ilang probisyon na hindi nasunod ang SBSI tulad ng pagsisimula ng  agroforestry at pagsasagawa ng Assisted Natural Regeneration (ANR) sa lugar.

Sinabi naman ni Environment Sec. Ma. Antonia Yulo Loyzaga noon pa lamang 2019 ay naobserbahan na nila ang paglalagay ng mga istraktura sa lugar na hindi bahagi ng kasunduan.

Noong nakaraang Setyembre, nagpalabas na si Loyzaga ng  Letter of Suspension sa SBSI  dahil sa mga paglabag sa Protected Area Management Plan at kawalan ng pag-endorso ng  Protected Area Management Board (PAMB).

TAGS: cult, protected area, cult, protected area

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.