Inanunsiyo ng Korte Suprema na 12,246 ang nagparehistro para sa 2024 Bar Examinations.
Noong nakaraang Biyernes, Abril 5, ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon.
Isasagawa ang Bar exams sa ilang pangunahing lugar s abansa sa Setyembre 8, 11 at 15.
Sa unang araw ang Political and Public International Law, Commercial at Taxation Laws; samantalang sa Setyembre 11 ang Civil Law, Labor Law, at Social Legislations; at sa huling araw ang Criminal Law, Remedial Law, Legal at Judicial Ethics with Practical Exercises.
Magtatalaga ang Korte Suprema ng mga local testing centers (LTCs) sa mga pangunahing lungsod sa National Capital Region, Luzon, Visayas, at Mindanao.
Noong nakaraang taon, 3,812 sa 10,387 na kumuha ng Bar exams ang pumasa para sa 33.77 porsiyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.